BUTI PA SILA Part 1

Throughout the 24 months that we've been updating our batch directory,
I was able to gather a lot of info., and made a couple of observations in the process.
Then, I became inspired to come up with this poem:

BUTI PA SILA... (Adapted - written in Sept 1998)
By Bobong Lacanilao-Cutiongco

Be familiar w/ the codes first PB - Philippines based + AB - Abroad based + UB - USA based

Buti pa ang PB, regularly nagme-meet, ang AB bihira

Ang AB excited makibalita, ang PB bihira

Buti pa ang AB madetalyeng mag e-mail,  ang PB bihira

Buti pa ang bihirang magkita, surprise kang makita, parang ang ganda at guwapo niya, Ang madalas magkita-kita, ang beauty ordinaryo na!

Buti pa ang iba, nagco-confirm na ng attendance sa mini get togethers, Ang iba 2001 na raw sila makikita

Buti pa ang iba, masayang single sila, Ang iba, nahihiyang malaman na single pa sila.

Buti pa ang iba, ipinagmamalaki ang mga crush nila (nung high school) Ang iba, ikinahihiyang na-involve sila sa kung sino mang naka-relasyon nila

Buti pa ang mga quiet noon, involved at active na ngayon, (sa batch 81 gatherings) Ang ibang active noon, wala nang pakialam o panahon ngayon

Buti pa ang UB, marunong magtagalog hanggang ngayon (w/ an american accent nga lang) Ang ibang PB, inglisero't inglesera pa din!

Buti pa ang iba, maraming suggestions (para sa reunion), Ang iba puro comparisons

Buti pa ang California-based at Australia-based will have a reunion soon, Ang iba, still dancing with the tune (wala na akong maisip to rhyme)

Buti pa ang iba walang tiyan, ang iba - marami niyan!

Buti pa ang movie trailer, may now showing, Ang ibang boys - coming soon pa lang (ang buhok)

Buti pa ang ibang misis, sexying-sexy pa rin, Ang iba (oooooops) confident pa rin (safe ha?)

Buti pa ang balikbayan, excited makita kami, Ang iba diyan, kinalimutan na kami!

...buti pa, sa ikabubuti nang pagpaplano ng ating batch reunion in 2001,
Makibahagi, mag-contribute, makialam, mag-reply at mag-volunteer
Upang mapadali at mapaganda ang lahat ng pagpaplano!
 


BUTI PA SILA Part 2

Buti Pa ang Batch '81 atbp.
(An Adaptation)

Buti pa ang Batch '81, in-touch with one another
ang ibang batch ... wala ni isang get together

Buti pa ang Batch '81, may email directory
ang ibang batch... wala ni isang entry

Buti pa ang Batch '81, may website
ang ibang batch... out of touch, out of sight

Buti pa ang Batch '81, na-visit ni Prof. Hermosa ang website
ang ibang ka-batch, hindi pa alam na tayo'y may website

Buti pa ang Batch '81, may mini-get togethers all over the world USA,Canada and Manila, ang ibang ka-batch, tila NAWAWALA PA! ( 37 more batchmates on the missing list)

Buti pa ang Batch '81 website, maraming features,
pero mas gaganda pa, kung magpadala kayo ng iba pang FICTURES!

Buti pa ang Batch '81 website, maraming contributors,
pero ngayo'y kailangan nami'y, maraming DONORS

Buti pa ang Website Publisher, binabati tayo pag ating kaarawan
eh, yung dati kong SYOTA, ni EMAIL CARD, hindi ako pinadalhan!
(wala na akong maisip na mag-rhyme, na- intriga kayo, ha?)

Buti pa si Magi, nasa Congress, eh si Tita Maggi, nasa soup pack pa rin!
Buti pa si Dessa, Grace at Aly, nakikita natin sa t.v.
isama na naman natin ang t.v. appearances ni Congressman Magi
(over-exposed ka na Cong., ha?)

Buti pa, SA IKAUUNLAD NG SAMAHANG UPIS BATCH 1981,
MAKIBAHAGI SA PAGPAPLANO NG REUNION FOR 2001
.

Bobong Lacanilao-Cutiongco